Pagbasa ng sakdal kay QC Coun. Roderick Paulate, ipinagpaliban ng Sandiganbayan
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 7th Division ang pagbasa ng sakdal laban kay Quezon City Councilor Roderick Paulate at driver at liason officer nito na si Vicente Esquilon Bajamunde kaugnay sa pagpapasweldo ng mahigit isang milyong piso sa 30 ghost employees noong 2010.
Sa pagdinig kaninang umaga, pinagbigyan ng korte ang motion to defer arraignment ni Paulate at muli itong itinakda sa September 21, 2018 ganap na alas-otso y medya ng umaga.
Mga kasong pagkabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at walong kaso ng falsification of public documents kinakaharap ni Paulate at ang kanyang liaison officer na si Bajamunde at karagdagang falsification by a public officer kay Paulate.
Nakasaad sa isinampang information sa Sandiganbayan, nagpagawa si Paulate ng pekeng Personal Data Sheet at job order sa kanyang chief of staff na isinumite sa Office of the Vice Mayor para sa approval, City Budget Officer para mapondohan at City Personnel Officer para mai-rekord.
Sinasabing naglabas ng certification si Paulate kung saan nakasaad na 40 oras kada linggo ay nagtatrabaho ang 30 empleyado nila July 1 hanggang November 15, 2010.
Ang liason officer naman ay binigyan ng kapangyarihan upang kolektahin ang suweldo ng mga ito na umabot ng P1.1 million.
Sinabi ng Office of the Ombudsman, pineke ni Bajamunde ang pirma ng mga empleyado samantalang ang authorization letter na ibinigay ni Paulate ay walang special powers of attorney.
Nauna ng sinibak ng Ombudsman si Paulate matapos mapatunayang guilty sa kasong administratibo pero binaliktad ng Court of Appeals kaya siya ay nakabalik bilang konsehal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.