1 patay, 12 arestado sa simultaneous anti-drug ops sa Bacoor, Cavite

 

Isa ang patay habang labing dalawa ang arestado sa ginawang simultaneous anti-drug operations sa Bacoor sa Cavite ngayong Biyernes (August 31).

Ayon kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. Willim Segun, ang nasawing drug suspect ay kinilalang si Rey Balandra, residente ng Barangay Talaba.

Nakumpiska mula kay Balandra ang isang kalibre .45 na baril at ilang plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nanlaban umano ang suspek sa mga pulis na maghahain ng search warrant.

Ang labing dalawang naaresto naman ay drug personalities, mula sa Barangay Talaba at Barangay Habay 2.

Nasabat mula sa kanila ang mga drug paraphernalia, matapos ang isinagawa magkakahiwalay na search operations ng mga pulis sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

 

Read more...