Kerwin Espinosa, naghain ng not guilty plea sa kasong murder
Naghain ng not guilty plea ang drug distributor na si Kerwin Espinosa, para sa kanyang kasong pagpatay sa isang dating kapitan ng barangay sa Albuera, Leyte.
Sa pagbasa ng sakdal ng Manila Regional Trial Court branch 40, dumalo si Espinosa na nakasuot ng bullet proof vest.
Siya ay akusado sa pagpatay kay Vicente Jabon noong May 31, 2006.
Kasabwat umano ni Espinosa sa kasong murder sina Stepehen Bobares at Max Miro, na napaslang sa isang police operation sa Barangay Bantigue, Ormoc City.
Itinakda ng korte sa November 30 ang pagdinig, habang target na matapos ang proceedings sa April 2019.
Nauna nang nagpasok ng not guilty plea si Espinosa para sa kanyang kaso kaugnay sa drug trade conspiracy sa arraignment niya sa Makati Regional Trial Court.
Nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms and explosives si Kerwin, na anak ng napatay na Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.