Binatilyong nakapatay sa 14-anyos na menor-de-edad sa Caloocan City, nakatakdang sumuko

By Isa Avendaño-Umali August 31, 2018 - 10:17 AM

 

Caloocan City Mayor Oscar Malapitan

Nakatakdang sumuko ang 15-anyos na binatilyo na nakapatay sa 14-anyos na menor-de-edad sa Barangay 144 sa Caloocan City.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Inquirer ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

Ayon sa alkalde, posibleng anumang oras ay sumuko na ang suspek.

May negosasyon na aniya ang lokal na pamahalaan, kasama ang Caloocan Police, para mahuli o para sa pagsuko ng binatilyong suspek.

Sinabi ni Malapitan na pinuntahan niya kagabi ang burol ng biktima, na nakakaawa aniya ang sitwasyon ng pamilyang naiwan.

Tutulong siya, maging ang Department of Social Welfare and Development o DSWD, sa pagpapalibing sa menor-de-edad.

Batay sa CCTV, makikitang patay ang 14-anyos na menor-de-edad makaraang paghahampasin ng kahoy ng nakaalitang binatilyo.

Maraming tambay ang nakakita sa pangyayari, pero wala ni-isa sa kanila ang umawat.

 

TAGS: caloocan city, caloocan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.