Mga guest candidates ng Poe-Escudero tandem, malayang makasama ng ibang partido

By Chona Yu October 29, 2015 - 01:37 PM

Poe-senate-slate1
“Partido Galing at Puso” senatorial slate. MAILA AGER/INQUIRER.net

Tiniyak ni Senator Grace Poe na hindi niya ilalaglag ang mga guest senatorial candidate na kasama sa kanyang Partido Galing at Puso.

Paliwanag ni Poe, hindi sasapitin ng mga senatorial candidate ang naging karanasan nila noon ni Senador Chiz Escudero na inilaglag ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay noong 2013 elections nang sumama sila sa Liberal Party.

Kabilang sa mga guest candidate ng tambalang Poe at Escudero sina Senador Ralph Recto at Pasig Congressman Roman Romulo na kapwa kabilang ng LP, dating Senador Dick Gordon, Migs Zubiri, Susan Ople na kasama naman sa UNA.

Wala aniya silang ilalatag ni Escudero na polisiya na pagbawalan ang kanilang mga kandidato na umakyat sa entablado ng ibang partido.

Iginit ni Poe na pinili niya ang mga guest candidates dahil may magagawa ito sa senado at mahalaga na magkakapareho ang kanilang plataporma.

Bagaman hindi nila pagbabawalan ang mga guest candidate na sumama sa pangangampanya sa ibang partido, mas maganda pa rin kung ang ikakampanya ng nga ito ang tambang Poe at Escudero.

TAGS: PGP, Poe-Escudero, PGP, Poe-Escudero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.