Isang warehouse sa Brgy. San Jose, QC, nasusunog
Patuloy na nilalamon ng apoy ang isang pagawaan ng picture frames sa Tindido St. malapit sa A. Bonifacio Avenue, Barangay San Jose sa Quezon City.
Ayon kay Fire Inspector Rosendo Cabillan ng Quezon City BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga kahoy at kemikal na nasa loob ng pagawaan na pag-aari ng Carnie Castle Company Incorporated.
Nanatili sa 4th alarm ang sunog na nagsimula kaninang pasado alas-nueve ng umaga.
Malaking tulong naman ang firewall ng gusali kaya walang pangamba na kumalat pa ito sa mga katabing establisyimento at mga bahay.
Sa inisyal na impormasyon, posibleng electrical wiring ang pinagmulan ng sunog batay sa kwento ng mga trabahador sa pagawaan.
Sinabi ng mga manggawa ng factory na ilang sandali ang nakakalipas ay nagliyab ito ay mabilis na kumalat.
Apektado naman ang northbound lane ng A. Bonifacio Avenue dahil pinaradahan ito ng mga truck ng bumbero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.