Nebrija, may “challenge” sa babaeng nag-in My Feelings dance sa EDSA

By Isa Avendaño-Umali August 31, 2018 - 09:18 AM

May “challenge” ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa babaeng viral ngayon sa social media matapos kumagat sa “Kiki dance challenge” sa EDSA Kamuning.

Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija, ang challenge o hamon niya sa naturang babae ay kusang sumuko sa mga ototidad, dahil sa ginawa nitong paglabag bunsod ng pagsasayaw ng #InMyFeelings dance.

Sinabi ni Nebrija na mas mainam kung personal na pumunta ang babae sa tanggapan ng MMDA at humingi ng paumanhin.

Giit ng opisyal, hindi dapat palagpasin ang ginawa ng babae lalo’t hindi tama ang ginawa nito.

Aniya, kung tutuusin ay puro mga bash imbes na “likes and shares” ang nakuha ng babaeng nasa viral video.

Paalala muli ni Nebrija sa lahat ng mga motorista, mahalaga na pairalin ang road courtesy at ikunsidera ang mga kapwa motorista.

Sa naunang pahayag ng MMDA, nakilala na ang babaeng nasa video na ngayong ay tinutunton na.

Hindi rin abswelto ang drayber na kasama ng babae, at mahaharap din sa mga kaso.

 

TAGS: #InMyFeelings Challenge, edsa, mmda, #InMyFeelings Challenge, edsa, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.