2 high value targets, huli sa buy-bust op sa Maynila. P6.8 million na halaga ng shabu, nakumpiska

By Isa Avendaño-Umali August 31, 2018 - 08:14 AM

Arestado ng mga otoridad ang dalawang banyagang high value targets o HVT sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila kahapon (August 30).

Kinilala ang mga suspek na sina James Fung at George Chang.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency spokesman Derrick Careon, sa pinagsanib na pwersa ng PDE, Philippine Army at Philippine Navy ay naaresto ang dalawang drug suspects malapit sa bisinidad ng Rizal Coliseum, sa lungsod ng Maynila, dakong 5:30 Huwebes ng hapon.

Kumpiskado mula sa mga suspek ang humigit-kumalang isang kilong methamphetamine hydrochloride o shabu na may estimated market value na aabot sa P6.8 million.

Dinala sina Fung at Chang sa national headquarters ng PDEA para sumailalim sa imbestigasyon at proper disposition, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay naisumite na sa PDEA laboratory para sa chemical analysis.

Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa dalawang suspek.

 

TAGS: Buy Bust operations, PDEA, Buy Bust operations, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.