Lalaki na nakipaglamay, patay sa pamamaril sa QC

Patay sa pamamaril ang isang lalaking nagsusugal sa isang lamay sa Livelihood St. Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Naglalaro ng cara y cruz ang biktima ng barilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang 45-anyos na biktima.

Nawawala ang cellphone at bag ng biktima habang nag-iwan ng P100 ang gunmen sa tabi nito.

Patuloy na isinasagawa ng pulisya ang imbestigasyon sa krimen.

Read more...