MMDA hinahanap na ang babaeng motorista na gumawa ng #InMyFeelingsChallenge sa EDSA
Pinaghahanap na ng MMDA ang babaeng na nasa viral video dahil sa kanyang #InMyFeelingsChallenge na kanyang ginawa sa EDSA pati na ang iba pang kasama nitong motorista.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, kanilang ng bineberipika ang pagkakakilanlan ng babae.
Aniya meron na silang lead sa identity nito.
Una dito, nagbigay paalala ang MMDA at Department of Transportation sa mga motorista na huwag gawin ang challenge para na rin sa kanilang kaligtasan.
Dagdag pa ni Pialago, lahat ng motoristang kasama sa naturang dance challenge video ay maaring magmulta ng aabot sa P5,000 para unang offense sa Anti-Distracted Driving Act at maari din na maharap ang mga ito sa kasong reckless driving.
Ang “In My Feelings Challenge” o “Kiki Challenge” ay hango sa music video ng kanta ng Canadian rapper na si Drake.
Ang mga gumagawa ng challenge ay sumasayaw sa kanta ni Drake na “In My Feelings” kung saan nakabukas ang pinto ng sasakyan habang umaandar ito sa gitna ng kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.