30 araw ibinigay kay Sister Fox para hilinging baligtarin ang deportation order laban sa kanya

By Len Montaño August 31, 2018 - 05:09 AM

Mayroon lamang 30 araw ang Australyanong madre na si Patricia Fox para hilingin na baligtarin ang deportation order sa kanya, kundi ay kailangan nitong boluntaryong iprisinta ang sarili sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang 30 araw ay ang panahon na kailangang maghain si Sister Fox ng apela. Kung hindi niya aniya ito magagawa ay dapat na personal itong pumunta sa ahensya dala ang mga requirements para sa kanyang deportation.

Kapag nabigo aniya ang dayuhang misyonaryo na mag-file ng apela, kailangan itong pansamantalang i-hold ng BI.

Kasunod ito ng pagbasura ng ahensya sa motion for reconsideration ni Fox para baligtarin ang deportation order laban sa kanya.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Gurvarra na pwede pang maghain ng apela ang madre sa Department of Justice (DOJ) o sa Office of the President (OP).

Mula sa DOJ at OP ay pwede ring idulog ni Sister Fox ang kanyang kaso sa Court of Appeals at kalaunan ay sa Korte Suprema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.