Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Sandiganbayan dahil sa hindi nagagamit na anim na government-owned vehicles na may kabuuang halagang P8.4 million.
Dahil dito, nade-deprive anila ito sa mas mataas na halaga kapag muling ibebenta ito at sa nauukopahang parking space nito.
Ayon sa COA, 10 sa 37 mga sasakayan na nakarehistro sa Sandiganbayan ay hindi nagagamit as of December 31, 2017.
Anim mula dito ay hindi na nagagamit habang ang dalawa dito ay ginagamit na ng mga bagong talagang justices at natitira pang dalawa ay ginamit na pamalit sa mga lumang service vehicles.
Base sa Section 79 ng Government Auditing Code ay nakasaad na ang mga hindi ginagamit na mga property ng gobyerno ay dapat sirain o ibenta sa isang public auction.
Dagdag pa ng COA, pumayag ang Sandiganbayan sa kanilang naging rekomendasyon sa pagkakaroon ng assessment sa mga nasabing service vehicles kung kakailangan pa ito.