WATCH: 3 bagong kaso kaugnay sa Dengvaxia controbersy ihahain ng PAO

By Jan Escosio August 31, 2018 - 12:02 AM

Inanunsiyo ng Public Attorneys Office (PAO) na maghahain sila ng tatlong bagong kaso na may kaugnayan sa Dengvaxia scandal.

Ginawa ni PAO Chief Atty. Persida Acosta ang anunsiyo matapos ipagpatuloy ang preliminary investigation ng Justice Department sa mga reklamong kriminal na isinampa laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, at dating Budget Secretary Butch Abad.

Nabanggit pa nito na may mga bago pa silang kaso na isasampa.

Ipinaliwanag ni Acosta na magkakatulad ang mga sintomas ng tatlong bagong kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa anti-dengue vaccine ng Sanofi Pasteur sa mga nauna na nilang na-autopsy na mga biktima.

Naging emosyonal si Acosta nang hingan siya ng reaksyon hinggil sa isang kasong hawak nila na hindi naman Dengvaxia vaccinee ayon sa Department of Health (DOH).

Itinakda naman sa Setyembre 14 ang susunod na pagdinig kaugnay sa mga isinampang kaso na reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa Anti-Torture Law at Consumer Protection Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.