Pilipinas hihilingin sa US na maibalik ang Balangiga Bells ngayong taon
Hihilingin ng Pilipinas sa Estados Unidos na ibalik ang kontrobersyal at makasaysayang Balangiga Bells sa bansa ngayong taon.
Sa panayam ng media, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na karapatan ng Pilipinas na i-request ito sa US.
Matatandang inihayag na ng US Embassy sa Maynila na ipinaalam ni US Secretary of Defense Jim Mattis ang sa US Congress ang planong pagbabalik sa Pilipinas ng mga kampana.
Hindi naman binanggit kung kalian ang petsa ng pagbabalik ng mga ito.
Iginiit pa ni Cayetano ang kahalagahan ng Balangiga Bells sa kasaysayan ng Pilipinas at hindi lamang sa mga mamamayan ng parokya na kinabibilangan ng mga ito kundi sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.