Diktador mas kailangan ng bansa kaysa kay VP Robredo — Pangulong Duterte
Mas mabuti umano para sa Pilipinas na magkaroon ng diktador gaya ni Marcos kaysa magkaroon ng lider gaya ni Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang talumpati sa 49th Mandaue City Charter Day sa Cebu, iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mabuti na magkaroon ng diktador gaya ni Marcos.
Pwede aniyang magkaroon ng succession alinsunod sa konstitusyon kung saan si Robredo ang magiging lider pero hindi umano nito kakayanin.
Paliwanag ng pangulo, baka kailangan ng Pilipinas ang gaya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung magpapatuloy ang droga at kurapsyon sa bansa.
Una nang sinabi ni Duterte na gusto niyang maging successor si dating Senador Bongbong Marcos.
Tinawag naman dati ng Pangulo na incompetent si Robredo para pamunuan ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.