WATCH: Zero budget ng gobyerno sa pabahay, kinundena ng mga grupo ng maralita
Mariing kinundina ng iba’t ibang grupo ang umano’y zero budget ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga pabahay sa may 300,000 pamilya sa bansa na walang maayos na matutuluyan.
Ayon sa grupo, naglaan ang pangulo ng P2.9 bilyon na pondo para sa mga housing agencies pero mapupunta lamang ito para sa mga pasahod at bonus ng mga opisyal at empleyado ng mga hounsing agencies.
Nagpapakita lamang umano ito na wala umanong tapang at malasakit ang pamahalaang Duterte para sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa 2019 propose budget rin umano ay hindi kasama ang basic at social services ng may 200,000 na mga pamilya na nailipat na sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.