MMDA ipapatupad na ang multa sa mga iligal na naka-park sa Mabuhay Lanes

By Rod Lagusad August 31, 2018 - 12:00 AM

Magpapatupad na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula ngayong araw, August 31 ng multa sa mga iligal na naka-park sa Mabuhay Lanes.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang naturang pagpapatupas ng multa ay mula ala-sais ng umaga hanggang sa alas-nueve ng gabi.

Sakop nito ang nakalistang 17 Mabuhay Lanes na konektado sa EDSA at mga kalsadang patungo sa mga commercial districts sa Metro Manila.

Ang mga lalabag dito ay may multang P200.

Nasa P150 naman ang multa sa hindi pagsunod na mga traffic signs at P150 din sa obstruction.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.