Pilipinas nakakuha ng silver medal sa women’s judo sa Asian Games
Nakuha ng Pilipinas ang silver medal para sa women’s judo sa 2018 Asian Games.
Ito ay matapos matalo sa finals ng 63kg judo competition si Kiyomi Watanabe laban sa pambato ng Japan na si Nami Nabekura na siyang nakaag-uwi ng gold medal.
Sa nakaraang SEA Games ay nagwagi ng gold medal si Watanabe.
Ito ang unang pagkakataon na nanalo ng medalya ang Pilipinas para sa judo event ng Asian Games simula nang ito ay masama sa torneo noong 1986.
Sa ngayon mayroon nang apat na gold, isang silver, at 13 bronze medal ang Pilipinas na nasa ika-17 pwesto sa 2018 Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.