Ilang makasaysayang lugar sa Israel posibleng bisitahin ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 31, 2018 - 12:01 AM

Maaaring bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang makasaysayang lugar sa Israel.

Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ernesto Abella na nasa agenda ng pangulo ang pagtungo sa mga significant spots.

“I’m sure that he will be visiting—I cannot give you the specifics of where he will be going, exactly where. But he will be visiting significant spots,” ani Abella.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Abella kung anong lugar ang pupuntahan ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga makasaysayang lugar sa israel ang Bethlehem, Jerusalem Galilee, Wailing Wall, at iba pa.

Ang mga nabanggit na lugar ay pinaniniwalaang mga lugar na nagmilagro at nanatili si Hesukristo.

Bibisita ang pangulo sa Israel sa September 2 hanggang 5.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.