Shabu sa kumpiskadong magnetic lifters pinanindigan ng PDEA

Inquirer file photo

Iginiit ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi maaring sabihin na kapag nagnegatibo sa traces ng droga ang mga magnetic lifters sa isinagawang swabbing ay wala talagang droga na laman ito.

Sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee, sinabi ni Aquino na nagnegatibo rin sa shabu ang nasabat na magnetic lifters sa MICP na naglalaman ng P4.3 Billion na halaga ng shabu.

Sinabi ng opisyal na patunay lamang ito na matibay ang kanilang basehan upang sabihin na naglalaman ng halos P6.8 Billion na halaga ng shabu ang natagpuang walang laman na magnetic lifters sa isang warehouse sa GMA, Cavite kamakailan.

Ang nasabing mga magnetic lifters ay nagnegatibo rin sa traces ng shabu sa isinagawang laboratory test ng PDEA.

Gayunman ang naturang magnetic lifters ay inupuan ng dalawang ulit ng drug-sniffing dogs ng PDEA.

Idinagdag pa nito na marami ng accomplishment ang kanilang K9  na umupo sa magnetic lifters na nakita sa Cavite.

Read more...