PAL flight naatraso dahil sa bomb joke

By Jan Escosio August 30, 2018 - 02:54 PM

Inquirer file photo

Naperwisyo ang mga pasahero ng isang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa bomb joke ng isang pasahero.

Sa impormasyon mula kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, pasakay na ang mga pasahero ng Flight PR 2959 patungong Cotabato kaninang umaga nang bitiwan ng lalaking pasahero ang masamang biro.

Nabatid na isang tv reporter at ang kanyang crew ang nakarinig ng biro at agad nilang ipinagbigay alam sa crew ng naturang flight.

Agad na itinawag sa PAL Security Unit at PNP Aviation Security Group ang pangyayari.

Bunga nito, pinababa pa ang mga nakasakay ng eroplano bilang bahagi ng aviation security protocol para inspeksiyonin ang eroplano.

Ang lalaking pasahero ay hawak na ng PNP Avsegroup para imbestigahan at kasuhan.

TAGS: bomb joke, cielo villaluna, Cotabato, philippine airlines, bomb joke, cielo villaluna, Cotabato, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.