WALANG PASOK: Klase sa San Juan, suspendido bukas, Aug. 31

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2018 - 12:00 PM

Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga public at private na eskwelahan bukas, Aug. 30 sa Lungsod ng San Juan.

Ang suspensyon ay inanunsyo ni San Juan City Mayor Guia Gomez matapos ang pagdiriwang ngayong araw ng Anibersaryo ng Himagsikan sa Pinaglabanan.

May mga aktibidad na isinagawa sa lungsod simula Huwebes (Aug. 30) ng umaga hanggang tanghali para sa ika-122 Anibersaryo ng Himagsikan sa Pinaglabanan na mayroong temang “Pinag-isa ng Kalayaan tungo sa maunlad na Kinabukasan”.

Kabilang sa mga aktibidad na idinaos ay ang Grand Socio-Civic Parade.

Deklarado ring holiday ang araw na ito sa San Juan bilang Pinaglabanan Day.

 

TAGS: Pinaglabanan Day, san Juan, walang pasok, Pinaglabanan Day, san Juan, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.