9 na drug suspects arestado sa Cebu; P5.4M na halaga ng shabu ang nasabat

Photo: CPPO

Siyam na drug suspects ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Talisay City sa Cebu.

Photo: CPPO

Ikinasa ang operasyon sa Barangay Tabunok at Bulacao, kung saan aabot sa P5.4 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Virgie Ababon, Jeniel Jumao-as, Antonio Abendan, Robert Ababon, Jovely Naparate, Jonathan Cabriana, Analiza Ligan, Anthony Caballero, at Rey Camanian.

Ayon kay Supt. Marlu Conag, Talisay City police station chief malaking bulto ng nasabat nilang ilegal na droga o P5.3 million na halaga ay nakuha lang mula kina Cabriana at Ligan.

Read more...