Lalaki arestado sa panggagahasa sa stepdaughter sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2018 - 11:23 AM

Arestado ang isang 43 anyos na lalaki mtapos gahasain ang 13-anyos na anak ng kaniyang kinakasama sa Liloan, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Dario Pelayo na naaresto matapos magsumbong sa kaniyang guro ang dalagita na ginahasa siya ng kaniyang ama-amahan sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kay SP01 Rolinda Flores, hepe ng Women and Children’s Protection Desk, nang isailalim sa pagsusuri ay nakumpirmang ginahasa nga ang dalagita.

Hindi naman na itinanggi ng suspek ang krimen pero idinahilan niyang wala siya sa sarili nang maganap ang insidente dahil siya ay lasing.

Humingi rin ng tawad si Pelayo sa biktima.

Isasailalim naman sa stress debriefing ang dalagita.

TAGS: liloan cebu, rape, liloan cebu, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.