Institutionalization ng 4Ps aprubado na sa kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukala para gawing institutionalized ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ang pagbibigay ng cash grants sa mahihirap na pamilya.

Sa botong 196 na YES at 6 na NO inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 7773 na naglalayong pababain ang kahirapan at i-promote ang human capital development sa bansa.

Sa ilalim ng panukala aatasan nito ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na pumili ng mga kwalipikadong pamilya sa bansa na mabibiyayaan ng programa.

Kapag nakapili, sasailalim ang mga ito ng revalidation kada tatlong taon.

Bibigyan din ang mapipiling pamilya ng lump-sum conditional cash transfer na nagkakahalaga ng P2,200 kada buwab para sa health, nutrition at education expenses o P26,400 bawat taon.

Nakasaad din sa panukala na ang mahihirap na pamilya na mabibiyayaan nito ay ang mga nasa poverty threshold na itatakda ng National Economic and Development Authority o ang mga hibdi kayang magkaroon ng basic needs para sa food, health, education at housing.

Read more...