P1M halaga ng shabu nasabat sa babaeng suspek sa Batangas City

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon August 30, 2018 - 09:48 AM

Arestado ang isang babae sa Batangas City makaraang makumpiska dito ang P1 milyon halaga ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat ng Batangas Police, ang suspek na kinilalang si Norhaya Mamantal ay nadakip sa isinagawa buy bust operation alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules (Aug. 29) sa Barangay Alangilan.

Nang madakip, sinabi ni Mamantal sa mga otoridad na siya ay mula sa Pasig City at ang mga shabu na nakuha sa kaniyang pag-iingat ay galing ng Bacoor City, Cavite.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang source ng ilegal na droga binebenta ni Mamantal.

TAGS: batangas city, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, batangas city, Illegal Drugs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.