UPDATED: Ilang kabahayan sa Tambo, Parañaque, tinupok ng apoy

By Ruel Perez October 29, 2015 - 10:54 AM

sunog 1Tinupok ng apoy ang 50 kabahayan sa Agripina St Barangay. Tambo, Parañaque.

Tinatayang 150 pamilya ang naapektuhan ng sunog karamihan mga informal settlers sa gilid ng ilog ng Barangay Tambo.

Pinagtulungang apulain ng mga Paranaque, Pasay Bureau of Fire Protection at mga fire volunteers ang sunog.

Isinara naman sa mga motorista ang kahabaan ng Quirino St papasok sa Agripina dahil sa mga truck ng bumbero na nasa kalsada.

Idineklara ng Fire out ang sunog sa residential area sa Agripina St Tambo Pque City alas 11 ng umaga

Ayon kay Inspector Wilson Tana, Chief Arson Investigator ng BFP Pque nag umpisa ang apoy 822 ng umaga kanina at umabot din sa 3rd alarm.

Nadamay din sa sunog ang bodega ng FFF Import Export na may mga nakaimbak umanong mga tsinelas at mga plastic.

Wala naman naitala na nasaktan sa nabanggit na sunog.

TAGS: ParañaqueFire, ParañaqueFire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.