Paglilipat ng police academic institutions sa PNP lusot na sa komite sa kamara

Aprubado na sa House Committee on Public Order and Safety ang panukala upang ilipat sa Philippine National Police ang pangangasiwa ng apat na police academic institutions.

Sa ilalim ng panukala, aalisin na sa Philippine Public Safety College ang administrative supervision at operational control sa Philippine National Police Academy (PNPA), National Police Training Institute, National Police College at National Forensic Science Training Institute.

Kapag naging ganap na batas ang panukala magkakaroon ng limang taong transition perior kung saan sa loob ng nasabinh taon ay patuloy na tatanggap ng mga kadete ng PNPA para sa BJMP at BFP.

Sa nasabing panahon din sisimulan ng DILG ang pagtatayo ng hiwalay na akademya para sa BJMP at BFP.

Sa pagdinig ng budget ng DILG sinabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na suportado niya ang panukala sapagkat may nakalaan ng pondo para dito sa susunod na taon na tinutulan naman ni PPSC President Ricardo De Leon.

Read more...