Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.
Ito ay makaraang bawian ng buhay sa ospital si Wel Mark John Lapidez na naunang inulat na malubha ang kondisyon at comatose dahil sa natamong tama ng shrapnel sa utak.
Dahil sa pagkasawi ni Lapidez umakyat na sa tatlo ang bilang ng nasawi sa insidente.
Una ng sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na BIFF ang posible responsable sa pambobomba.
MOST READ
LATEST STORIES