IRR sa libreng irrigation services pinamamadali na ng Malakanyang

By Chona Yu August 30, 2018 - 08:15 AM

Kinakalampag na ng Malakanyang ang Department of Agriculture at ang iba’t ibang attached agencies na madaliin na ang pagbalangkas sa implementing rules and regulations para sa Free Irrigation Services Act.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay para tuluyan nang mapakinabangan ng nga magsasaka ang bagong batas na nagbibigay ng libreng irgasyon sa mga magsasaka.

Paliwanag ni Roque, napapanahon ang pagbalangkas sa IRR lalo’t nakararanas ngayon ng problema sa suplay ng bigas ang bansa.

Sinabi pa ni Roque na malaking tulong ang libreng irgasyon dahil tiyak na mababawasan ang gastusin ng mga magsasaka.

Nabatid na noong Enero pa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipapatupad dahil sa kawalan ng IRR.

TAGS: DA, Harry Roque, Irrigation, Radyo Inquirer, DA, Harry Roque, Irrigation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.