Main office ng BI half-day lang sa Sept. 7 para ipagdiwang ang anibersaryo
Half-day lang na bukas sa publiko ang main office ng Bureau of Immigration (BI) sa September 7, araw ng Biyernes.
Ito ay dahil ipagdiriwang ng BI ang kanilang 78th Founding Anniversary.
Sa abiso ng BI, ang mga mayroong transaksyon sa ahensya sa nasabing petsa ay tatanggapin lamang hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Alas 3:00 kasi ng hapon ay magsisimula ang selebrasyon sa main office.
Para naman matiyak na maasiakso pa rin ang lahat ng nais makipagtransaksyon sa BI para sa nasabing petsa, ang pinapayuhan ang publiko na magtungo sa ibang BI extension offices na mananatiling bukas mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 5:30 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.