Paglulunsad ng housing project ng NHA sa Mandaue City pangungunahan ni Pang. Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang launching ng P128 million na housing project ng NHA ngayong araw sa Mandaue City.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita ang pangulo sa Cebu ngayong buwan na ito para sa paglulunsad ng low-rise housing project.

Ayon kay Mandaue City Public Information Officer Jun Veliganio, bahagi ng proyekto ang pagtatayo ng tatlong five-storey residential buildings sa Barangay Looc.

Doon ililipat ang mga informal settlers sa lungsod.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa June 2020.

Read more...