5 kabilang ang 1 sundalo arestado sa operasyon kontra droga sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2018 - 06:32 AM

Limang katao ang nadakip kabilang ang nagpakilalang isang sundalo sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila.

Sa Santa Cruz, isang lalaki ang dinakip matapos isinumbong ng kasamang babae ang paggamita niya ng shabu.

Ayon sa babaeng nagsumbong sa mga otoridad pinupuwersa umano siya ng suspek na gumamit din ng ilegal na droga sa loob ng isang inn.

Nang madakip ay nagpakilala ang suspek na miyembro ng Philippine Army.

Samantala, sa Pandacan, naaresto naman ng mga pulis ang 4 na lalaki sa magkasunod na buy-bust operation.

Ayon kay Sr. Insp. Pidencio Saballo Jr. ng Labores Police Community Precinct (PCP), mayroong tumawag sa hotline at isinumbong ang 4 na drug suspects.

Nakuha mula sa mga nadakip ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na taintayang P25,000 ang halaga at isang kalibre .38 na baril.

TAGS: manila, Radyo Inquirer, War on drugs, manila, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.