Nayong Pilipino tinuloy ang pagtatayo ng integrated resort sa Parañaque City

By Chona Yu August 30, 2018 - 01:06 AM

Tahasang sinusuway ng Nayong Pilipino ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang pagtatayo ng Hong Kong developer na Landing International ng integrated resort sa Parañaque City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, labis na nakababahala ang ipinalabas na open letter ng Nayong Pilipino sa dalawang malaking pahayagan kahapon kung saan iginigiit na walang iligal sa pinasok na lease contract sa pagitan ng kanilang hanay at ng Hong Hong developer.

“Pero itong liham po na isinapubliko at ipinablish pa, hindi sa isa, kung hindi sa dalawang pahayagan, ito po ay open defiance na doon sa naging desisyon na ng Presidente. Mag-antay muna po silang maging Presidente, bago sila gagawa ng ganitong mga desisyon,” ani Roque.

Matatandaang sinibak ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal ng Nayong Pilipino dahil sa pagpasok sa kwestyunableng kontrata na binibigyan ng mahigit 70 taong lease contract ang Hong Kong developer.

Pero pinaninindigan ito ng Nayong Pilipino at iginiit na 25 taon lamang ang kanilang ibinigay na lease contract.

Sinabi pa ni Roque na ang nabunyag na kontrata ay maaaring tip of the iceberg pa lamang o patikim pa lamang.

Pinapayuhan din ni Roque ang Hong Kong developer na kumuha ng interpreter para mai-translate sa Chinese ang utos ni Pangulong Duterte na tutol siya sa kontrata at hindi na papayag na magkaroon pa ng bagong casino sa bansa.

“Well, kung continuing po iyan, that’s their look out. Nagsasayang po sila ng pera, pero talagang ano pa hong mahirap intindihan sa sinabi ni Presidente, meron na tayong moratorium sa casino, hindi na siya papayag sa bagong casino. So, siguro kung hindi nila maintindihan ang Tagalog, kumuha sila ng ibang magta-translate niyan into Chinese. At ang nakapagtataka ay bakit nagpipilit na itong Landing, eh samantalang iyong Hepe ng Landing eh may kaso, nahuli na nga po sa ibang bansa. At tingin ko po ay marami pa talagang lalabas, na lalabas ditong mga kababalaghan. At ang nakita pa lang ng Presidente ay tip of the iceberg,” ani Roque.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.