Pagpapalawig ng martial law sa Mindanao masyado pang maaga para sabihin — DND
Premature o masyado pang maaga para malaman kung kailangang palawigin ang martial law sa Mindanao kasunod ng pagsabog sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagaman opsyon ang extension ng batas militar, maaga pa para ito ay irekomenda.
Hindi pa aniya nila nakikita kung paano ang magiging sitwasyon sa susunod na mga buwan.
Unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa rehiyon noong may 23, 2017 matapos ang pag-atake ng ISIS-linked Maute Group sa Marawi City.
Bagamat anim na buwang tumagal ang bakbakan, hiniling ng Pangulo sa Kongreso na palawigin ang batas militar sa Mindanao hanggang sa pagtatapos ng 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.