ALdub, social media phenomenon sa buong mundo ayon sa BBC

By Jimmy Tamayo October 29, 2015 - 10:16 AM

bbc aldubTinawag na social media phenomenon ng isang artikulo sa BBC o British Broadcasting Corporation ang patok na patok ngayon sa Pilipinas na AlDub.

Sa artikulong isinulat ni Heather Chen na may titulong “AlDub’: A social media phenomenon about love and lip-synching” na lumabas sa BBC nitong Miyerkules, October 28, tinalakay kung bakit pumatok sa mga tao ang tambalan nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Sa pahayag ng BBC news presenter na si Rico Hizon, naniniwala siya na isa sa sikreto kung bakit sumikat ang AlDub ay ang pagiging “down-to-earth” ng “love team” kaya madali aniya maka-connect sa karaniwang tao. “”I believe that one big reason they are so popular is because the actors are very humble despite their massive success – they keep thanking fans as well as everyone who supports their work,” ani ni Hizon na aminadong fan ng Kalye Serye.

Ilang buwan nang nakakaagaw ng atensyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ang AlDub ng noontime show na Eat Bulaga kung saan tampok ang lip-synching na ginagawa ni Mendoza na naging internet sensation at tinaguriang “Dubsmash Queen.”

Ngayon, maging ang social media site na Twitter ay kinikilala na bilang global phenomenon ang AlDub nang mag-marka ang mga hashtags tungkol sa show na umani ng milyung-milyong tweets.

Pinakahuli dito ang “Tamang Panahon” event sa Philippine Arena noong October 24 na may hastag na #AlDubEBTamangPanahon na umani ng 41 million tweets sa loob lamang ng isang araw at sinira ang dating record ng 2014 Fifa World Cup.

Ayon na rin kay Twitter Asia Pacific Vice President Rishi Jaitly, “it shows how our platform, as the social soundtrack to TV, has really connected Filipinos who love a good love story.”

Kasabay ng pagsikat ng karakter na Yaya Dub ni Mendoza, kahanay na niya sina Taylor Swift at Katy Perry sa mga celebrity na may pinaka-maraming follower sa Twitter.

Sa ngayon, hindi lamang ang mga Pinoy ang nahuhumaling sa AlDub kundi maging ilang mga US politicians at mga rock bands.

TAGS: AlDub, BBC, AlDub, BBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.