Malacañan umaapelang iwasang magbigay ng haka-haka sa pagsabog sa Sultan Kudarat

By Chona Yu August 30, 2018 - 01:04 AM

Red Cross Photo

Humihirit ang Palasyo ng Malacañan sa publiko na iwasang magbigay ng mga haka-haka kaugnay sa naganap na pambobomba sa Humangaya festival sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinaswi ng dalawang tao at pagkasugat ng mahigit 30 iba pa.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, patuloy pa kasi ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Sa ngayon aniya, may mga natukoy nang suspek ang mga pulis.

Tiniyak pa ni Go na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para matukoy at maresolba ang panibagong pag-atake sa Mindanao.

Ayon kay Go, nakatakda sana siyang maging guest speaker sa Humangaya festival sa Isulan subalit hindi siya nakasipot dahil sa may lakad sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.