Stewardess arestado dahil sa pagpapadala ng bomb threat sa isang airline company

By Len Montaño August 30, 2018 - 01:04 AM

Sinampahan ng kasong kriminal ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa Department of Justice (DOJ) ang isang dating television personality at flight stewardess dahil sa umano’y pagpapadala ng e-mail bomb threat sa isang airline company.

Nahaharap si Janet Alano Tulagan sa reklamong paglabag sa probisyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Naaresto si Tulagan sa bahay nito kasunod ng reklamo ng isang local airline na isang indibidwal ang nagpadala ng bomb threat sa pamamagitan ng e-mail noong July 12.

Ang bomb threat ay galing sa tao na nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at may email address na [email protected].

Nakasaad e-mail ang mensahe na lahat ng biyaheng Manila to Kuala Lumpur sa petsang July 13 ay may nakatanim na bomba sa loob.

Sa tulong ng US Justice Department ay natukoy ng PNP ang IP address ng e-mail sender pati ang mobile phone number ng nagbanta.

Na-trace ang IP address kay Tulagan at pagkakuha ng search warrant ay ikinasa ang operasyon sa bahay nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.