Isang lalaking pinatay sa sakal ang live-in partner, arestado sa QC

By Isa Avendaño-Umali August 30, 2018 - 12:17 AM

Inaresto ng Masambong Police Station ang isang lalaki na pangunahing suspek sa pagkamatay ng mismong ka-live-in nito.

Kinilala ang suspek na si Ronald Tanio, 33 taong gulang at residente ng Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City.

Ang biktima at live-in partner ni Tanio ay si Dimple Apelli, 27 taong gulang

Batay sa saksi, nag-away sina Tanio at Apelli hanggang sa sinakal ng suspek ang biktima na ikinamatay nito.

Agad na nagsumbong ang testigo sa mga pulis, kaya mabilis na naaresto si Tanio.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo ni Tanio sa pagpatay sa kanyang parter.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.