2 miyembro ng gun running syndicate patay sa engkwentro sa Maynila

By Justinne Punsalang August 30, 2018 - 04:17 AM

INQUIRER File Photo

Dead on the spot ang dalawang sinasabing miyembro ng gun running syndicate matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Tondo, Maynila.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki.

Ayon sa Manila Police District – Criminal Investigation and Detection Group (MPD-CIDG), kapwa nagbebenta ng hindi lisensyadong baril ang mga suspek.

Aniya, dapat ay magkakasa lamang sila ng buy bust operation laban sa mga ito. Ngunit bago pa man maganap ang transaksyon ay nakaramdam ang mga suspek na pulis pala ang kausap.

Dahilan ito upang mabilisang tumakas ang dalawa sakay ng isang motorsiklo.

Tinugis sila ng mga otoridad at nang ma-corner ay bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang pulisya at nauwi sa palitan ng putok ang insidente na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober mula sa mga ito ang isang kalibre 45 baril at isang kalibre 38 revolver.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.