Lalawigan ng Bulacan #walangpasok ngayong araw
By Justinne Punsalang August 30, 2018 - 12:00 AM
Idineklarang walang pasok ngayong araw ng Huwebes, August 30 sa buong lalawigan ng Bulacan.
Ito ay bilang paggunita sa ika-168 na kaarawan ng bayaning si Marcelo H. Del Pilar.
Si del Pilar ay tinaguriang Dakilang Manunulat at Propagandistang Bulakenyo.
Dahil dito ay isang special non-working holiday ngayon sa buong lalawigan, alinsunod na rin sa Republic Act 7449 o An Act Declaring August 30 a Special Non-working Holiday in the Province of Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.