2 holdupper patay sa engkwentro sa Quezon City

Contributed photo

Tinangkang gahasain ng dalawang lalaking holdupper ang isang babae matapos nitong igiit na wala siyang pera sa Barangay Payatas Area C, Quezon City.

Ayon sa mga operatiba ng Quezon City Polcie District (QCPD) Station 6, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa panghoholdup ng dalawang lalaki sa lugar.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa Barangay Payatas Area C upang berepikahin ang report.

Sa paghahanap sa mga holdupper, ay nakita ng mga pulisang isang tumatakbong babae at humihingi ng tulong.

Pagkalapit nito sa mga pulis ay nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril, dahilan upang tugisin ng mga otoridad ang pinanggalingan ng putok.

Nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi ng dalawang lalaki na wala pang pagkakakilanlan.

Kwento ng biktima, tinutukan siya ng baril ng dalawang lalaki at nagdeklara ng holdup. Ngunit nang sabihin niyang wala siyang pera ay pwersahan siyang dinala sa matalahib at madilim na bahagi ng Barangay Payatas at doon tinangkang gahasain.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril at isang motorsiklo na walang plaka.

Ayon sa pulisya, posibleng ito ang gamit ng mga suspek sa kanilang mga kriminal na gawain.

Read more...