100 barangay sa Myanmar binaha dahil sa pag-uulan

By Justinne Punsalang August 30, 2018 - 12:36 AM

AFP

Nag-overflow ang central dam ng Myanmar dahil sa patuloy na nararanasang pag-uulan dala ng monsoon.

Dahil dito ay 100 mga barangay ang binaha, kung saan maging ang pinakamalaking highway ay hindi ngayon madaanan.

Ayon sa mga otoridad, wala naman silang naitalang nasawi dahil sa pagbaha ngunit maraming mga residente ang kinailangang magsilikas at kasalukuyang naninirahan sa mga temporary shelters.

Dahil sa dami ng tubig-ulan ay nasira ang isang bahagi ng Yangon-Mandalay highway.

Sa estimate ng mga otoridad, nasa 12,000 na mga pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.