Niratipikahan na ng Senado ang bicameral committee report na magiging susi para magkaroon ng trust fund na aabot sa P100 Billion para sa 3.5 milyong magniniyog sa bansa.
Nabatid na ang pinag-isang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay naaprubahan noon pang Agosto 1.
Si Sen. Cynthia Villar ang naghatid ng sponsorship speech para sa committee report sa magkakaibang probisyon ng Senate Resolution 1233 at House Bill 5745.
Magugunita na sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pinamadali nito sa Kongreso ang pagpasa ng mga panukala para magkaroon ng trust fund ang mga coconut farmers.
Ang pondo ay mula sa ari-arian at benepisyo mula sa coconut levy o ang buwis na siningil mula sa mga magniniyog noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.