80 bahay natupok sa sunog sa Mandaluyong City
Nasunog ang isang residential area sa Block 34, F.Ortigas Extension, Bgy. Addition hills, sa Mandaluyong City, Miyerkules ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog dakong 1:45 hapon at mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma.
Ang mga bahay ay gawa sa light materials, kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Maliban sa mga bumbero ng BFP at Mandaluyong Fire Station, ang Philippine Red Cross ay nagdeploy na ng mga trak at ambulansya sa lugar.
Ayon sa Philippine Red Cross, may ilang residente ang nilapatan nila ng first-aid makaraang mahilo at masuffocate ng makapal na usok.
Idineklarang fire-out ang sunog pasado 3:45 ng hapon.
Sinabi ng BFP na aabot sa 70 hanggang 80 na bahay ang natupok ng apoy.
Pansamantalang nananatili ang mga nasunugang pamilya sa Torres Gym at iba pang evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.