Hidilyn Diaz isa na ngayong “sergeant” sa Philippine Air Force

By Den Macaranas August 29, 2018 - 04:22 PM

(AP Photo/Bullit Marquez)

Makaraang magdala ng karangalan sa bansa, binigyan ng promotion ng Philippine Air Force si Asian Games weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz.

Sa isang simpleng seremonya sa Villamor Airbase makaraan ang ginanap na welcome ceremony ay itinaas sa sergeant mula sa airwoman first class ang military rank ni Diaz.

Si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nanguna sa nasabing programa.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Diaz na itutuloy niya ang pagtulong sa mga kabataang gustong sumunod sa kanyang mga yapak sa larangan ng sports.

Bahagi rin ng kanyang mga matatanggap na gantimpala ay ilalagak niya sa pagpapa-ayos ng kanyang itinayong sports gym sa Zamboanga City.

Bukod sa promotion ay tumanggap rin si Diaz ng iba pang citation mula sa pamunuan ng Philippine Air Force.

TAGS: hidilyn diaz, lorenzana, Philippine Air Force, promotion, sergeant, hidilyn diaz, lorenzana, Philippine Air Force, promotion, sergeant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.