Pagpapadeport kay Sister Patricia Fox tuloy na ayon sa B.I
Bigo ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox sa apela nito na manatili sa bansa.
Ito ay makaraang hindi pagbigyan ng bureau of immigration ang apela ni Sister Fox na huwag siyang ipadeport.
Ayon kay Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, nagdesisyon sila sa motion for reconsideration ni Sister Fox sa deportation case nitong August 24, 2018.
Gayunman, sinabi ni Mariñas na maari pa naman iapela ni Sister Fox ang kanilang desisyon sa Department of Justice tulad ng kanyang unang ginawa.
Matatandaang pinadedeport si Sister Fox dahil umano sa pagdalo niya sa mga political rally na mahigpit na pinagbabawal ng dayuhang bumibisita sa bansa.
Habang pending ang kanyang apela ay naging aktibo pa rin ang nasabing madre sa pagdalo sa ilang mga pagtitipon ng mga militanteng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.