4th gold medal sa Asiad nasungkit ng Pilipinas sa Skateboarding

Inquirer file photo

Nasungkit ng Pilipinas ang ika-apat na gintong medalya sa 2018 Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Indonesia.

Sinabi ng Philippine Sports Commission na nakuha ng 19-year-old na si Margielyn Didal ang gold medal sa Skateboard Women’s Street Final.

Tinalo ng tubong-Cebu na si Didal sina Kaya Isa ng Japan at Bunga Nyimas ng Indonesia.

Sa kasaluluyan ay nasa 16th overall rank ang bansa na mayroong apat na gold medals at 13 na bronze medals.

Nauna nang nagbigay ng gintong medalya sa bansa sina Hidilyn Diaz para sa weightlifting at ang mga golfers na sina Yuka Saso, Kaye Go at Bianca Pagdanganan.

Read more...