Condo Unit sa Roxas Blvd., sinalakay ng NCRPO mga armas nasabat
Sinalakay ng operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang isang condominium unit sa Roxas Blvd. sa Pasay City.
Armado ang mga pulis ng search warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court Branch 111 nang halughugin nila ang Unit-1550-B sa Service road ng Roxas Blvd.
Nanguna sa operasyon si NCRPO Director Guillermo Eleazar kasama ang operatiba ng Southern Police District.
Nabatid na inuupahan ng Taiwanese na si Jinhao Zhang ang condo unit na pinaniniwalaang miyembro ng international syndicates na sangkot sa gun smuggling at iligal na droga.
Nabawi sa paghalughog ang tatlong 9mm na baril.
Matatandaang unang nang nadakip sa operasyon ng Manila Police District (MPD) noong nakaraang Biyernes sa isang hotel sa Binondo ang isang Taiwanese kung saan naaresto at nabawi ang pitong plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 40 million at gamit sa paggawa ng ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.