New Caledonia niyanig ng magnitude 7.1 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2018 - 12:35 PM
Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang New Caledonia.
Ayon sa USGS, naitala ang lindol sa 221 kilometers sa karagatan ng New Caledonia sa South Pacific sa Loyalty Islands.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center.
Samantala, ayon sa Phivolcs, naganap ang malakas na lindol alas 11:52 ng umaga oras sa Pilipinas.
Pinawi rin ng Phivolcs ang pangambang magdudulot ng tsunami ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.